Friday, April 16, 2010

Sa pagtuturo ng Hekasi, Musika at filipino dito papasok din ang hiram na salita.

Ang mga guro kahapon, ngayon at bukas ay may malaking pagkaiba, dahil ang gurong noon ay nabubuhay ng payak, kung saan magkandarapang ipinipilit sa mga musmos ang pag- intindi sa mga leksyon gamit ang Ingles lamang at pinagtitiyagaan ang maliit na sahod. Ang guro ngayon ay sumasabay sa paglakbay ng panahon. Maliban sa "bilingualism process" nandyan na ang makabagong teknolohiya na lubos na mapapadali ang pagtuklas at pagsasagawa ng mga bagay na dapat malaman sa iglap ng oras lamang.

"Paano nakakatulong ang "Bilingualism" sa pagtuturo sa mababang paaralan"

  • Alam nating lahat na ang midyum ng instruksyon ay ingles lamang. kahit sa mga asignaturang Filipino, musika at Hekasi noon. ngunit sadyang may mga taong matatlino at nakita, nalaman at duo'y nakapag-isip-isip dahilaang wika natin ay wikang filipino. Sa ibang bansa, kung ano ang pambansang wika nila iyon ang midyum ng instruksyon lalo na sas mga mababang paaralan. Nagkaroon ng tinatawag na bilingual kung saan paghaluin and ingles at filipino sa pagtuturo upang lalong maunawaan ang pang araw-araw na leksyon at natuklasang epektibo sa pagtuturo.